Pamahalaang Bayan ng Angat, Binigyang Karangalan ng Civil Service Commission
- Angat, Bulacan
- May 29
- 1 min read

Isang malaking karangalan ang natanggap ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa pangunguna ng Human Resource Management Office (HRMO) matapos kilalanin ng Civil Service Commission sa ilalim ng PRIME-HRM para sa Recruitment, Selection and Placement (RSP) at Performance Management (PM).

Ang pagkilalang ito ay personal na iginawad ni CSC Field Office Director Dulce Cochon at dinaluhan ng ating masipag na Punong Bayan Reynante S. Bautista, kasama sina Kon. Blem Cruz, Kon. Wowie Santiago, at mga pinuno ng bawat tanggapan ng lokal na pamahalaan.
Patunay ito ng patuloy nating pagsusumikap tungo sa isang episyente at makataong paglilingkod sa bayan!
Comments