Pamahalaang Bayan ng Angat, Binati ang mga ‘March Birthday Celebrants’
- Angat, Bulacan

- Mar 1
- 1 min read

Isang masigla at mainit na pagbati ang ipinaabot ng Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pangunguna ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista, para sa lahat ng mga kawani at lingkod-bayan na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Marso.
Ang buwanang pagkilalang ito ay bahagi ng pagpapahalaga ng lokal na pamahalaan sa mga taong nasa likod ng maayos at tapat na serbisyo para sa bawat Angatenyo.
Sa isang opisyal na pahayag, binigyang-diin ng Pamahalaang Bayan ang kahalagahan ng bawat empleyado sa pag-abot ng mga mithiin ng bayan. Kalakip ng pagbati ang mga panalangin para sa bawat celebrant ang kasiyahan, tagumpay at kalusugan.









Comments