top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Pamahalaang Bayan, Nagbigay ng Libreng Serbisyo sa Barangay Baybay


Sa patuloy na programa ng Pamahalaang Bayan na Munisipyo sa Barangay (MSB), mahigit 200 mamamayan mula sa Barangay Baybay ang nakinabang sa pagsasagawa nito. Pinangunahan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista ang personal na pagbisita sa ang ilang residente at naghatid ng mga assistive device tulad ng wheelchair at tungkod, kasabay naman nito ang pagbibigay ng grocery packs sa mga bedridden nating mga kababayan.

Ang mga libreng serbisyong medikal at dental, eye check-up, personal care services, bakuna sa hayop, libreng binhi, serbisyong nutrisyon para sa mga buntis at nagpapasusong ina, libreng konsultasyong legal, at mga pribilehiyo para sa mga senior citizens, PWD, at solo parents ay ang mga naihatid na programa sa mga benepisyaryo.

Nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan sa mga katuwang tulad ng Angat Eye Clinic at Angat Kalusugan, pati na rin sa Sangguniang Barangay ng Baybay sa liderato ni Kap. Ricky Delos Santos, kasama ang Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Sangguniang Bayan Members at Kap. Nerio Valdesco.

Layunin ng MSB na maiparating ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan upang mapagaan ang kanilang kalagayan at magkaroon ng mas maginhawang pamumuhay.

4 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page