BFP Angat, Nanguna sa Lingguhang Pagpupugay sa Watawat
- Angat, Bulacan

- Mar 2
- 1 min read

Sinimulan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang linggo nang may disiplina at pananampalataya sa isinagawang Weekly Flag Raising Ceremony na sinundan ng isang Banal na Misa sa lobby ng New Municipal Building ngayong umaga.
Sa ilalim ng adbokasiya ng pagkakaisa at maayos na serbisyo-publiko, pinangunahan ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) Angat ang pagtataas ng watawat. Ang aktibidad na ito ay simbolo ng patuloy na kahandaan at dedikasyon ng mga kawani ng gobyerno sa paglilingkod sa mga mamamayang Angatenyo.
Matapos ang seremonya, idinaos ang isang Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Lex Cabais. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ang kahalagahan ng integridad at malasakit sa pagtupad ng tungkulin bilang mga lingkod-bayan. Ang misa ay nagsilbing pagkakataon para sa mga kawani na humingi ng gabay at kalakasan para sa mga hamon ng buong linggo.
Dinaluhan ang nasabing programa ng mga matataas na opisyal ng bayan sa pangunguna ni Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Kon. JP Solis, Kon. Wowie Santiago, Kon. Blem Cruz at Kon. Andrew Tigas. Nakiisa rin sa pagtitipon ang puwersa ng Angat PNP at ang mga kawani mula sa iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Bayan.









Comments