Pakikidalamhati sa Pamilya ni Kapitana Doris, Ipinaabot ng Barangay

Taos-pusong pakikiramay at pakikidalamhati ang ipinaabot ng buong Sangguniang Barangay ng Marungko sa kanilang mahal na Punong Barangay, Hon. Doris, at sa buong pamilya nito sa pagpanaw ng kaniyang kabiyak na si G. James Cruz Ramos.
Kaisa ang buong pamunuan at komunidad ng barangay sa pagdadalamhati at pagluluksa ni Kapitana Doris sa matinding pangungulila sa kaniyang mahal na asawa.
Kasabay ng kanilang pakikiramay, inihahandog ng barangay ang panalangin para sa walang hanggang kapayapaan ng kaluluwa ng pumanaw na kabiyak ni Kapitana Doris. Hiling din sa Panginoon na pagkalooban ng kaaliwan, lakas, at kapayapaan ng isip at kalooban ang buong pamilya sa mahirap na sandaling ito.










Comments