Pagtugon sa National Energy Emergency: MSWDO at Lokal na Pamahalaan, Nagpulong para sa Sistematikong Tulong sa mga Angatenyo
- Angat, Bulacan

- 6 days ago
- 1 min read

Upang matiyak ang mabilis at maayos na pagpapaabot ng tulong sa gitna ng kinakaharap na krisis sa enerhiya ng bansa, matagumpay na idinaos ang isang Emergency Meeting sa New Municipal Building Auditorium sa ilalim ng pangangasiwa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Ang pagtitipon ay pinangunahan ni Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista at dinaluhan ng mga Punong Barangay at representante mula sa iba't ibang barangay ng Angat.
Layunin ng nasabing pagpupulong na balangkasin ang konkretong hakbang ng Lokal na Pamahalaan matapos isailalim ang bansa sa State of National Energy Emergency.
Pangunahing tinalakay sa pulong ang implementasyon ng Unified Package for Livelihood, Industry, Food, and Transport (UPLIFT). Binigyang-diin ni Mayor Jowar ang pangangailangan ng isang sistematikong distribusyon ng tulong upang masigurong lahat ng sektor—mula sa transportasyon hanggang sa kabuhayan at suplay ng pagkain—ay mabibigyan ng sapat na atensyon.
Sa naging produktibong diskusyon, inalam ang kasalukuyang sitwasyon sa bawat barangay upang matukoy ang mga pamilyang pinaka-apektado ng krisis. Ang inisyatibong ito ay bahagi ng adhikain ng pamunuan na walang Angatenyo ang mapag-iiwanan sa gitna ng mga pagsubok.









Comments