top of page
bg tab.png

Pagtaas ng Tubig sa Ilog Angat Dulot ng Habagat at Ipo Dam, Tinutukan ng MDRRMO


Personal na binisita ni Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO) ang mga barangay na dinadaluyan ng Ilog Angat upang siyasatin ang kalagayan ng kailugan para sa kaligtasan ng pamayanan.


Sa isinagawang pag-iikot ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), naitala ang pagtaas ng lebel ng tubig-ilog dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan mula sa Habagat at sa pagpapakawala ng tubig mula sa Ipo Dam.


Dahil dito, patuloy ang nakatutok na pagbabantay ng MDRRMO sa lahat ng mga barangay na sakop ng bayan. Muling nagpaalala ang departamento sa buong pamayanan na manatiling alerto at mag-ingat sa lahat ng pagkakataon upang makaiwas sa anumang sakuna.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page