Pagsasanay sa MDM, Matagumpay na Nakumpleto ng MDRRMO Angat Personnel
- Angat, Bulacan

- Nov 7
- 1 min read

Bilang pagpapalakas sa disaster response capability ng bayan, sumailalim si Clarence Emmanuel B. Alba ng Angat sa pagsasanay para sa Basic Management of the Dead and Missing (MDM).
Ang pagsasanay ay isinagawa mula Nobyembre 4 hanggang 6, 2025, sa Capitol Hostel, Malolos, Bulacan.
Ayon sa MDRRMO, layunin ng training na ito na matutunan ang tamang proseso sa pangangasiwa ng Dead and Missing Persons kasunod ng isang malaking kalamidad.
Tiniyak ng programa ang pagbibigay ng dignidad sa pangangasiwa sa mga biktima ng sakuna. Naging matagumpay ang pagsasanay at nagtapos si Alba at ang iba pang kalahok sa Basic MDM Training.
Ang hakbang na ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng MDRRMO Angat na maging handa hindi lamang sa pagliligtas kundi maging sa pangangasiwa ng mga sensitibong sitwasyon pagkatapos ng sakuna.








Comments