top of page
bg tab.png

Pagsasagawa ng 4th Quarter MPOC and MADAC Joint Meeting

Updated: Dec 19, 2022



Pinangunahan ng ating bagong talagang MLGOO, Carla Marie C. Turla-Alipio ang pagsisimula ng pagpupulong sa pamamagitan ng pagbabahagi ng nabalangkas na Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan para sa taong 2023-2025 ng ating bayan.


Inilahad sa pagpupulong ang kanya-kanyang accomplishment sa hanay ng ating mga Kapulisan (PNP) sa pamamagitan ni PMAJ Kiddie DC Balasolla, ng ating Kagawaran ng Pamatay-Sunog (BFP) INSP Cenon E Palileo, at ng ating kinatawan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) 2LT Patricia Ochate.


Dinaluhan ito ng mga Punong Barangay ng bayan ng Angat, mga Pinuno ng Tanggapan mula sa MHO, Engineering, MENRO, MPDO, Municipal Administrator, MSWDO, DepEd, CSO Members, BFP, PNP, at AFP. Nakiisa rin sina Kon. Oscar Suarez, Kon. William Vergel De Dios, Kon. Darwin Calderon, Vice Mayor Arvin L. Agustin at ang ating butihing Mayor Reynante S. Bautista.


Layunin ng pagpupulong ang patuloy na pag-abot sa tahimik at matiwasay na Bayan. Lubusang nakakamit na ito sa pamamagitan ng pakikiisa ng bawat mamamayang Angateño.


19 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page