Nagsagawa ng isang pagpupulong ang pamunuan ng Pamilihan ng Angat, Bulacan Association Incorporated na pinangunahan ng presidente ng samahan na si G. Rolando Sanchez at ni Gng. Josephine Fajardo na bise presidente ng PABAI.
Masusing tinalakay sa pagpupulong ang mga paksa na may patungkol sa mga pang araw-araw na nararanasan sa loob at labas ng Pamilihan.
Kabilang sa mga natalakay ang mga sumusunod: • Mga ilegal na nagtitinda na matatagpuan sa Pamilihan • Pagtatalaga ng oras ng pagpaparada ng mga sasakyan (1 oras ang pinakamatagal) • Paglalagay ng Parking Attendant • Night Market
Commentaires