top of page
bg tab.png

Pagpupulong ng mga Pangulo ng TODA sa Bayan ng Angat


Isang pagpupulong ang isinagawa ng lahat ng Pangulo ng Tricycle Operators and Drivers' Association (TODA) sa buong bayan ng Angat. Ito ay pinangunahan ng ating Chairman of Committee on Public Utilities, Transportation and Communication na si Konsehal William Vergel De Dios.


Pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang mga sumusunod:

•Eleksyon ng mga susunod na mamumuno sa kani-kanilang TODA na kinabibilangan

•Pagsasaayos ng itinakdang halaga ng pamasahe

•Color Coding na itatalaga sa mga TODA

•Pagsasaayos ng Lisensya at Rehistro ng Motor


Ang programa ay dinaluhan ng 17 TODA President na mula sa ating bayan. Mayor Reynante S. Bautista, Vice Mayor Arvin L. Agustin, Kon. Oscar Suarez, Kon. Blem Cruz, at Kon. Wowie Santiago na idinaos sa ating Municipal Conference Hall.


Batid ng ating Punong Bayan na maraming pamilya ang nananatiling umaasa sa pamamasada ng ating mga tricycle operator at driver upang matustusan ang kanilang pang araw-araw na gastusin at pangangailangan kaya't nararapat lamang na ibigay ang buong suporta sa pagsasaayos at pagpapaunlad sa sektor ito.


36 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page