top of page
bg tab.png

Pagpupulong Kasama ang mga Opisyal ng Ating Pamilihang Bayan ng Angat Inc.


Sa hangarin na mabigyan ng mabilis na serbisyo publiko ang ating mga mamamayan, isang naging hakbang ng ating pamahalaan ang mapulong ang mga opisyales ng ating PAmilihang Bayan ng Angat Inc. (PABAI) sa pangunguna ng ating BPLO Yral Calderon at

Market Administrator Engr.Lauro Sarmiento.


Tinalakay sa pagpupulong na ito ang mga dapat isumite at dapat ay kumpletong dalhin sa pagkuha ng Business Permit sa darating Enero ng susunod na taon. Bukod dito, tinalakay din ang mga bagay na may kinalaman sa ikaaayos at ikagaganda ng ating pamilihang bayan.


Kasama ang ating Mun.Administrator Dr.Noel Alquino bilang kinatawan ng ating Punong Bayan Reynante Bautista, Ms.Arlene Payumo (Sanitary), Maria Fe Castillo (MENRO Rep), Ms.Hanna Sarmiento (DTI Rep) at iba pang kawani ng Pamilihang Bayan ng Angat sa nasabing pulong.


Inaasahan po natin ang buong pakikipagtulungan ng nasabing grupo sa mabilis at progresibong layuning ito.


6 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page