Huling Hataw sa Entablado: MGA Finalist, Magtatagisan sa Singing Contest Finals
Nakatakdang idaos ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang huling yugto ng Singing Contest Finals ngayong Huwebes, Oktubre 22, 2026, sa Angat Food Park.
Muling maghaharap ang mga nakapasok mula sa nakaraang serye ng eliminations upang ipamalas ang kanilang natatanging boses, husay sa pagtatanghal, at pagmamahal sa musika para sa titulo ng pagiging kampeon.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang kompetisyon ay naglalayong magbigay ng angkop na entablado at pagkilala sa natatanging talento ng mga lokal na mang-aawit sa bayan, habang naghahatid ng de-kalidad na libangan para sa mga Angatenyong bumibisita sa Food Park.
Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang buong komunidad na dumalo at suportahan ang kani-kanilang mga pambato habang tumatangkilik sa mga lokal na kainan at negosyo sa bayan.










Comments