Pagpupugay sa Araw ng mga Guro!
- Angat, Bulacan
- Oct 3
- 1 min read

Isang mainit na pagbati at taos-pusong pagsaludo sa ating mga guro sa kanilang natatanging araw!
Kayo ang tunay na ilaw ng kabataan at haligi ng kinabukasan. Dahil sa inyo, may mga batang natutong mangarap, may mga kabataang natutong harapin ang mga pagsubok ng buhay, at may mga pamilyang muling nagkaroon ng pag-asa. Sa bawat aral na inyong itinatanim, sa bawat gabay na inyong ipinagkakaloob, at sa bawat sakripisyong inyong tinitiis, ay nabubuo ang mga pangarap at kinabukasan ng ating bayan.
Ang inyong walang sawang dedikasyon, pagmamahal, at malasakit sa inyong propesyon ay patunay na ang edukasyon ay hindi lamang tungkol sa pagtuturo ng kaalaman, kundi pati na rin sa paghubog ng puso at karakter ng bawat mag-aaral. Kayo ang nagbibigay liwanag sa daan ng kabataan, at inspirasyon upang magpatuloy silang mangarap nang mas mataas.
Kung wala kayo, wala rin pong matatag na Angat na handang sumulong tungo sa mas maliwanag na bukas.
Mula sa inyong lingkod at sa buong Pamahalaang Bayan ng Angat, isang mahigpit na yakap ng pasasalamat, paggalang, at pagpupugay sa inyo — mga huwarang guro, bayani ng bawat Angateño!
Mabuhay ang mga guro! Mabuhay ang mga bayani ng edukasyon!
Comments