Pagpapanatili ng Malinis na Kapaligiran, Isinusulong sa Brgy. Banaban

Muling nagbuklod ang pamunuan ng Barangay Banaban, Angat, Bulacan at ang mga mamamayan sa ginanap na Weekly Clean-Up Drive ngayong Oktubre 24, 2026.
Nagtulong-tulong ang mga opisyal at residente sa paglilinis ng mga pampublikong daanan, pag-aalis ng mga nakatambak na basura, at pagtiyak na walang nakabara sa mga kanal sa paligid ng komunidad.
Binigyang-diin ng pamunuan ng barangay na ang patuloy na pagsasagawa ng lingguhang linis-baranggay ay mahalagang batayan upang panatilihing maayos ang kapaligiran at maiwasan ang anumang banta ng sakit sa pamayanan.
Nagpaabot ng pasasalamat ang Pamahalaang Barangay ng Banaban sa lahat ng nakiisa at nagpakita ng aktibong kooperasyon para sa ikalilinis at ikaliligtas ng buong sakop ng barangay.










Comments