top of page
bg tab.png

Pagpapanatili ng Kapayapaan: Q1 Joint Meeting ng MPOC at MADAC


Pinangunahan ni LGOO II Apollo De Leon ang matagumpay na 1st Quarter Joint Meeting ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), na isinagawa sa Municipal Conference Hall.

Sa pagtitipon na ito, ipinresenta ni PMAJ Mark Anthony San Pedro ang mga natamong tagumpay at accomplishment report ng ating kapulisan. Binigyang-diin naman ng 70th Infantry Battalion 71D PA ang kalagayan ng seguridad sa lalawigan. Matapos nito, nagbigay ng kanyang ulat si F/Insp Ervin Agustin, naglalaman ng mahahalagang datos at mga nagawa sa komunidad.

Kasama sa pagtitipon ang ating Punong Bayan na si Reynante S. Bautista, kasama ang mga konsehal na sina William Vergel De Dios, Darwin Calderon, at Andrew Tigas, pati na rin ang mga Punong Barangay ng Angat. Kasama rin sa mga dumalo ang Designated PIO/POC Focal Person na si Aldwin John Fajardo, mga kinatawan ng Civil Society Organization, at mga opisyal ng Tanggapan ng Pamahalaang Bayan.


Ang naturang pulong ay nagpapakita ng matagumpay na koordinasyon at pagtutulungan ng mga sektor ng pamahalaan at sibilyan upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa bayan ng Angat.

7 views0 comments

コメント


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page