Paglilinis sa Purok ng Paso-Tumana, Isinagawa ng Brgy. Sulucan
- Angat, Bulacan

- Dec 27, 2025
- 1 min read

Matagumpay na naisagawa ang Weekly Clean-Up Drive sa Purok ng Paso-Tumana ngayong araw, Disyembre 27, 2025.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Sangguniang Barangay ng Sulucan, katuwang ang mga Barangay Tanod at ang mga benepisyaryo ng 4Ps. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat sektor, nalinisan at naisaayos ang mga kapaligiran sa nasabing purok. Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng barangay na mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang komunidad para sa lahat ng mga residente.









Comments