top of page
AsensoAtReporma (1).png
bg tab.png

PAGKILALA SA PROGRAMANG SUPORTA PARA SA MGA SENIOR CITIZENS SA BAYAN NG ANGAT

Noong Hunyo 2, 2025, ginawaran ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Pamahalaang Bayan ng Angat ng "Outstanding Achievements in Expanding Social Pension Access Award" sa pagtatag ng Local Social Pension Program para sa mga senior citizen.


Isa itong boluntaryong hakbang sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Reynante “Jowar” Bautista, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), bilang dagdag na suporta sa mga nakatatanda sa ilalim ng RA No. 9994 – Expanded Senior Citizens Act of 2010.


Bagama’t hindi ito mandato ng batas, buong puso itong isinagawa ng pamahalaang bayan bilang patunay ng malasakit at pagpapahalaga sa ating mga lolo at lola.

Ang Angat ay isa sa iilang bayan sa buong bansa na may ganitong programa — isa nanamang patunay ng tunay na #AsensoAtReporma 


Commentaires


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page