PAGKAKAISA SA SERBISYO: ANGAT LGU MID-YEAR ASSESSMENT 2025 & TEAM BUILDING
- Angat, Bulacan
- Jun 9
- 1 min read

Nitong June 06 (Holiday), isinagawa natin ang mid-year assessment na mahalagang sandali para sa lokal na pamahalaan dahil ito ay pagkakataong pag-isahin ang lahat ng departamento upang balikan ang mga tagumpay, pag-aralan ang mga dapat paghusayin, at itakda ang mas matibay na direksyon para sa ikalawang kalahati ng taon.
Samantala ang kasabay na team building ay paraan upang pagtibayin ang ugnayan, tiwala, at pagkakaintindihan ng bawat miyembro ng lingkod-bayan. Dahil sa matibay na samahan, mas episyente at mas makatao ang serbisyo.
Sa pagkakaisa, mas malawak ang naaabot. Sa pagkakaisa, may tunay na #AsensoAtReporma!
Comentarios