top of page
bg tab.png

Pagkakaisa at Pananampalataya, Ipinamalas sa Lingguhang Flag Raising at Banal na Misa sa Bayan ng Angat


ree

Pinangunahan ng mga kawani mula sa Bureau of Fire Protection (BFP)–Angat ang lingguhang Flag Raising Ceremony na ginanap sa harap ng Municipal Hall. Isa itong makabuluhang gawain na nagsisilbing paalala ng pagkakaisa at paninindigan ng bawat kawani ng pamahalaan sa pagtupad ng kanilang tungkulin para sa bayan.


Matapos ang seremonya ng watawat, sinundan ito ng isang Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Msgr. Manuel Villaroman. Ang naturang pagdiriwang ay hindi lamang naging pagkakataon upang magtipon ang mga lingkod-bayan, kundi nagsilbi rin itong sandali ng pagninilay at pasasalamat sa lahat ng biyayang tinatanggap ng Bayan ng Angat.


Dinaluhan ng ating butihing Punong Bayan Reynante S. Bautista ang nasabing aktibidad, kasama ang mga magigiting na miyembro ng Sangguniang Bayan—Kon. William Vergel De Dios, Kon. Wowie Santiago, Kon. Blem Cruz, at Kon. JP Solis. Nakiisa rin ang mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan, kinatawan mula sa Angat PNP at BFP, at ang lahat ng kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angat.


Sa pamamagitan ng ganitong mga gawain, patuloy na pinauunlad ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang diwa ng malasakit, pananampalataya, at pagkakaisa—mga haligi na nagsisilbing inspirasyon upang maglingkod nang buong puso at tapat sa sambayanang Angateño.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page