top of page
bg tab.png

Paghahanda para sa Angat Food Park 2025: Bukas na ang Pagpaparehistro ng mga Kalahok

ree

Bilang bahagi ng selebrasyon ng GulayAngat Festival 2025, iniimbitahan ng Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamamagitan ng Business Permits and Licensing Office (BPLO), ang lahat ng may food business na makibahagi sa nalalapit na Angat Food Park 2025.


Layunin ng programa na maging tampok ang mga lokal na putahe at best-sellers ng mga negosyanteng Angateño, gayundin ng iba pang kalahok, upang mas makilala at maipakilala sa mas malawak na publiko ang kanilang mga produkto.


Bukas ang pagpaparehistro para sa lahat ng business owners na nais sumali. Ang mga interesado ay maaaring magtungo sa BPLO Angat Office mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM. Ang huling araw ng pagtanggap ng aplikasyon ay itinakda sa Setyembre 19, 2025.


Hinihikayat ang lahat ng negosyanteng may kinalaman sa pagkain na samantalahin ang pagkakataong ito—hindi lamang upang maipakita ang kanilang masasarap na handog, kundi upang maging bahagi rin ng mas makulay, mas masarap, at mas masayang GulayAngat Festival ngayong taon.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page