top of page
bg tab.png

Pagdiriwang ng Nutrition Month 2026 sa Angat, Opisyal nang Pinasimulan sa Pamamagitan ng ‘Tarpaulin Posting’


Opisyal nang binuksan ng Municipal Nutrition Office ng Angat ang pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong taon sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagsasabit ng mga tarpaulin sa iba't ibang estratehikong lugar sa bayan. Ito ang nagsisilbing hudyat ng isang buwang selebrasyon na puno ng mga aktibidad na nakatuon sa kalusugan at kapaligiran.


Ngayong 2026, bitbit ng lokal na pamahalaan ang napakahalagang tema na: "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!"



Ayon sa Municipal Nutrition Office, ang temang ito ay isang paalala sa bawat Angateño na ang mabuting kalusugan ng tao at ang kalinisan ng komunidad ay laging magkaugnay.

Sa pamamagitan ng pagkain ng wastong nutrisyon, responsableng paggamit ng mga likas na yaman, at aktibong pag-aalaga sa kapaligiran, mas madaling maisusulong ang isang mas malusog, ligtas, at mas matatag na komunidad para sa susunod na henerasyon.


Upang masigurong mararamdaman ng bawat mamamayan ang diwa ng selebrasyon, inilatag ng tanggapan ang mga sumusunod na malalaking programa sa buong buwan ng Hulyo:

  • Nutri-Steps Eco Walk (Isang fund-raising activity para sa supplemental feeding)

  • Mutya ng Buntis 2026

  • Nutrition Education Activities

  • Community Nutrition Programs

  • Environmental and Healthy Lifestyle Initiatives


Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ang lahat ng pamilyang Angateño na makiisa, makilahok, at isabuhay ang mga adhain ng Nutrition Month upang sabay-sabay na umangat ang antas ng kalusugan at kalinisan sa buong bayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page