top of page
bg tab.png

Pagdiriwang ng National Children Month sa Angat


Ang Pamahalaang Bayan ng Angat, Nakilahok sa Malawakang Pagdiriwang ng National Children Month.


Sa isang masiglang pagdiriwang ng National Children Month, ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay nagpakita ng pakikiisa sa temang "Healthy, Nourished, Sheltered: Ensuring the Right to Life for All." Pinangunahan ito ng ating MSWDO Menchie Bollas, kasama ang mga dedikadong kawani at mga guro sa mga daycare center, ang pagsasagawa ng mga aktibidad na nagpapakita ng suporta sa karapatan ng bawat bata.


Sa nasabing pagdiriwang, ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa daycare ang kanilang mga natatanging talento sa larangan ng copy and color, pag-awit, pagbasa ng tula at calisthenics.


Kasabay ng mga aktibidad na ito, kasama rin sa programa ang mga opisyal ng bayan tulad nina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Konsehal Wowie Santiago, Konsehal Blem Cruz, at Konsehal Oscar Suarez. Sa kabuuan, ang malawakang pagdiriwang na ito ay hindi lamang nagbigay-pugay sa karapatan ng bawat bata na magkaroon ng magandang kinabukasan kundi nagbigay-daan din sa pagpapakita ng suporta at pagkakaisa ng buong bayan sa pangangalaga at pagpapahalaga sa kapakanan ng mga kabataan.

2 views0 comments

Recent Posts

See All
Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page