Sa pagdiriwang ng 34th National Statistics Month na may temang "Accelerating Progress: Promoting Data and Statistics for Healthy Philippines," nagdaos ang Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamumuno ni Engr. Arnel Trinidad ng isang Fun run at Zumba event. Ang programa ay inorganisa ng tatlong tanggapan: Local Civil Registrar, Municipal Engineering at Municipal Planning and Development Office.
Aktibo ang naging partisipasyon ng mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan at kasamang dinaluhan ng ating Punong Bayan na si Reynante S. Bautista, kasama ang Pangalawang Punong Bayan na si Arvin L. Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Angat PNP, Angat BFP, mga lider ng iba't ibang opisina, at buong mga kawani ng Pamahalaang Bayan.
Ang highlight ng aktibidad ay ang 5.5KM na Fun run na nag-umpisa sa Pugpog Bikers Highland patungo sa Rotonda, kung saan itatayo ang bagong munisipyo ng Angat. Ito ay isang pagkakataon para sa mga opisyal at empleyado na maging mas malapit sa isa't isa at palaganapin ang pagkakaugnayan kasabay ng pangangalaga sa kalusugan na siyang pundasyon ng lahat.
Comments