top of page
bg tab.png

Pagdiriwang ng 125th Philippine Civil Service Anniversary

ree

Batay sa Civil Service Commission (CSC) Memorandum Circular No. 08, s. 2025, na may temang “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing para sa Bayan”, nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa makasaysayang selebrasyon ng ika-125 Philippine Civil Service Anniversary.


Bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa ating mga lingkod-bayan, isinagawa ang Angat Sportfest 2025 na naglalayong linangin ang diwa ng sportsmanship, pagkakaisa, at samahan ng bawat kawani. Tampok sa programa ang masisiglang presentasyon ng bawat grupo, ang pagpili ng kanilang mga Mr. Sports Fest, at isang makulay na Zumba Marathon na nagbigay sigla at kasiyahan sa lahat ng mga kalahok.


Hindi lamang ito isang pagdiriwang ng palakasan at kasiyahan, kundi isang paalala na ang bawat kawani ay may mahalagang papel sa pagbubuo ng isang masigla, maayos, at makataong pamahalaan. Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, naipapakita ang tunay na diwa ng pagkakaisa at ang hangarin ng bawat kawani na patuloy na maglingkod nang buong puso at dangal.


Ang programa ay matagumpay na pinangasiwaan ng Human Resource Management Office (HRMO) katuwang ang Samahan ng mga Empleyado sa Pamahalaang Bayan ng Angat (SEPBA).


Ang Bayan ng Angat ay buong pusong kaisa sa pagkilala sa ating mga Lingkod Bayani—mga kawani ng pamahalaan na walang sawang naglilingkod nang may Puso, Dangal, at Galing para sa kapakanan ng bawat Angateño at para sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page