top of page
bg tab.png

Pagdaraos ng Lingguhang Flag Raising Ceremony


"Hindi lang ito sa simula, hanggang sa

matapos ang unang termino namin, ng aking mga kasama, magsama-sama tayo na itataguyod ang sinasabi naming Asenso at Reporma para sa bayan ng Angat"

- Mayor Reynante S. Bautista


Pagdaraos ng lingguhang Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng mga kawani mula sa Tanggapan ng Ingat Yaman.


Ngayon din ay ipinagdiriwang ang ikasandaang araw sa panunungkulan ng ating mga opisyales ng Pamahalaang Bayan.


Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pinuno ng mga Tanggapan, Angat PNP, Angat BFP, at mga kawani mula sa iba't ibang tanggapan.

Bagamat ang tradisyunal na pag uulat ng mga Punong Bayan patungkol sa mga nagawa ng administrasyon sa loob ng isaandaang araw, minabuti na ipagpaliban muna ito sa kadahilanang mas marami pang nakalinya na mga proyekto at programa na inilalatag para sa Bayan ng Angat.


Lubos na pasasalamat ang ipinaabot sa mga kawani at inaasahan na ang bawat departamento ng ating Pamahalaang Bayan ay patuloy na makikiisa sa bawat hakbangin ng ating Punong Bayan upang maibigay ang tamang paglilingkod at serbisyo na laan para sa bawat Angateño.


4 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page