top of page
bg tab.png

Pagbuo ng PRE-ELA at Capacity Development Planning para sa CY 2026–2028, Matagumpay na Naisakatuparan sa Bayan ng Angat

Updated: Sep 8


ree

Matagumpay na naisakatuparan ang Preliminary Executive and Legislative Agenda (PRE-ELA) Formulation and Capacity Development Planning para sa Calendar Year 2026–2028.


Ang nasabing gawain ay pinangunahan at pinangasiwaan ng Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) VI Ernest Kyle D. Agay, kasama si Maria Christine M. De Leon, MLGOO VI ng Norzagaray, na nagsilbing mga pangunahing resource speakers.


Dinaluhan ito ng iba’t ibang opisyal at kinatawan ng lokal na pamahalaan, kabilang sina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga department heads mula sa iba’t ibang tanggapan. Ipinakita sa pagtitipong ito ang sama-samang dedikasyon ng mga pinuno ng bayan upang mapagtibay ang mga plano at proyektong magiging susi sa mas maayos at mas progresibong pamamahala sa susunod na tatlong taon.


Isinagawa rin ang serye ng workshop na nagbigay-daan upang mapag-usapan, masuri, at mapaghandaan ang mga prayoridad na proyekto at programang ipatutupad ng kasalukuyang administrasyon. Sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng bawat kalahok, nabuo ang isang malinaw na roadmap na magsisilbing gabay upang maisakatuparan ang mga adhikain ng lokal na pamahalaan para sa kapakanan ng mamamayan.


Bilang mahalagang bahagi ng pagpupulong, ibinahagi rin ang sampung pangunahing agenda ng ating Punong Bayan, na magsisilbing pangunahing direksiyon at batayan ng mga programa at inisyatibong isusulong. Ang mga ito ang magiging gabay ng bawat departamento at sangay ng pamahalaang lokal upang matiyak na ang lahat ng hakbang at proyekto ay nakahanay sa iisang layunin—ang patuloy na pagpapaunlad at pag-angat ng Bayan ng Angat.


Ang matagumpay na pagsasagawa ng PRE-ELA ay patunay ng pagkakaisa at kooperasyon sa pagitan ng executive at legislative branches ng lokal na pamahalaan. Sa pamamagitan nito, masisiguro na ang lahat ng planong ipatutupad ay nakatuon hindi lamang sa kasalukuyang pangangailangan ng komunidad, kundi maging sa pangmatagalang kaunlaran ng bayan at ng mga mamamayan nito.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page