top of page
bg tab.png

Pagbibigay ng MR-TD at HPV Vaccines, Patuloy na Isinusulong ng Sulucan Health Center

Nov 12
1 min read

Patuloy na isinasagawa ng Sulucan Health Center ang pagbibigay ng libreng bakunang MR-TD (Measles-Rubella / Tetanus-Diphtheria) at HPV (Human Papillomavirus) upang maprotektahan ang kalusugan ng mga kabataan laban sa mga nakahahawa at malulubhang sakit.


Binigyang-diin ng Sulucan Healath Center na ang pagbabakuna ay isang mahalaga at mabisang hakbang upang matiyak ang kaligtasan at malusog na paglaki ng bawat bata sa komunidad.


Kaugnay nito, hinihikayat ng Sulucan Health Center ang lahat ng mga magulang na patuloy na suportahan ang programang pangkalusugan at pabakunahan ang kanilang mga anak. Nagpaabot din ang tanggapan ng taos-pusong pasasalamat sa tiwala at aktibong pakikiisa ng mga magulang sa adbokasiyang “Bakuna ay Proteksyon, Bakuna ay Buhay.”

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page