top of page
bg tab.png

Pagbebenta ng Paputok sa Angat, Mahigpit na Ininspeksyon ng PNP, BFP, at BPLO


Upang matiyak ang isang ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon, nagsagawa ng Joint Inspection ang mga awtoridad sa itinakdang bilihan ng paputok sa Celestial City, Brgy. San Roque ngayong araw, Disyembre 30, 2025.


Ang operasyon ay pinangunahan ng Angat Police Station sa ilalim ni PCPT Jayson M. Viola, katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) at ang Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa pamumuno ni G. Yral Calderon. Sinuri ng grupo ang mga permit ng mga vendor at tiniyak na walang ibinebentang mga ipinagbabawal na paputok na maaaring magdulot ng panganib sa publiko. Ang hakbang na ito ay bahagi ng komprehensibong plano ng lokal na pamahalaan upang maiwasan ang anumang insidente ng sunog o pinsala habang ipinagdiriwang ang kapistahan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page