Pagbati sa mga Bagong Kasal!
- Angat, Bulacan

- Aug 16
- 1 min read

Isang mainit na pagbati at taus-pusong Congratulations sa mga bagong kasal na sina:
Mr. & Mrs. Jerwin and Ruby Ann Valdez
Mr. & Mrs. Gaudencio Jr. and Lexine Zyre Santiago
Mr. & Mrs. Ronnie and Kimberly Rivera
Kasama ang buong Pamahalaang Bayan ng Angat, ipinapaabot namin ang aming masayang pagbati sa inyong lahat. Nawa’y magsilbi ang araw ng inyong pag-iisang dibdib bilang panibagong yugto ng pag-ibig, pagkakaunawaan, at pagtutulungan sa inyong pagsasama bilang mag-asawa.
Hangad namin na ang inyong relasyon ay patuloy na magbunga ng saya at kasaganahan, hindi lamang para sa inyong pamilya kundi maging sa mga taong nakapaligid sa inyo. Baunin ninyo ang mga magagandang aral at payo na ibinahagi sa inyong kasal, at higit sa lahat, ituring ang Diyos bilang sentro at gabay sa bawat hakbang ng inyong buhay mag-asawa.
Muli, isang malaking Congratulations at nawa’y maging inspirasyon ang inyong pagmamahalan sa kapwa kabataan at mag-asawa sa ating bayan.









Comments