Pag-iisang Dibdib nina John Carlo at Rosalyn De Guzman, Pinagtibay sa Bayan ng Angat
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Isang masayang pagbati ang ipinaabot ng Pamahalaang Bayan ng Angat para sa bagong kasal na sina Mr. & Mrs. John Carlo at Rosalyn De Guzman.
Sa mensahe ng Pamahalaang Bayan, binigyang-diin ang mga mahahalagang pangaral na magsisilbing gabay sa kanilang bagong yugto bilang mag-asawa na baunin nila ang bawat magagandang aral na ibinahagi sa kanila sa araw ng kanilang kasal. Panatilihin ang maayos na pakikitungo at ang mataas na antas ng paggalang o respeto sa isa’t isa at pagbibigay ng halaga sa kabiyak ang susi sa isang matatag at masayang tahanan.









Comments