top of page
bg tab.png

Pag-angat ng Kabuhayan: 18 Benepisyaryo ng 4Ps, Nabigyan ng SLP Grant mula DSWD

Updated: Aug 5


ree

Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa mga pamilyang kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), 18 benepisyaryo ang pinagkalooban ng kabuuang P360,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP).


Ang pondong ipinagkaloob ay layong magsilbing panimulang kapital sa kanilang mga napiling proyekto, kabilang na ang vegetable farming. Sa pamamagitan ng programang ito, inaasahang magkakaroon sila ng mas matatag na pinagkakakitaan na makatutulong sa kanilang pag-angat mula sa kahirapan.


Ang SLP ay isang hakbang ng pamahalaan upang palakasin ang kakayahan ng mga benepisyaryo na makapagsimula ng sarili nilang hanapbuhay at mapanatili ito sa mahabang panahon.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page