Mga Kabataan mula sa Brgy. Sto. Cristo, Binisita ang Bagong Munisipyo ng Angat
- Angat, Bulacan

- Jan 30
- 1 min read

Masayang sinalubong ng Pamahalaang Bayan ang mga mag-aaral at kabataan mula sa Barangay Sto. Cristo para sa isinagawang “Lakbay Bulilit” ngayong araw sa bagong Angat Municipal Building.
Ang aktibidad, na pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Angat, ay naglayong ipakilala sa mga bata ang bagong tahanan ng lokal na pamahalaan. Sa pamamagitan ng tour na ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na makita ang iba’t ibang opisina at maunawaan ang kahalagahan ng serbisyo-publiko sa murang edad.
Ayon sa MSWDO, ang Lakbay Bulilit ay bahagi ng programa para sa mental at sosyal na pag-unlad ng mga bata, kung saan itinuturo ang pagmamahal sa sariling bayan.









Comments