PADs sa mga Sementeryo at Terminal, Pinagtulungang Bantayan ng PNP, BPATs, at NGOs

Nagtayo ng mga Police Assistance Desk (PADs) ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni PMAJ Joel M. Alba, Chief of Police, ngayong Oktubre 30, 2026, simula ika-8:00 ng umaga.
Ang mga inilagay na PADs ay pinagtulungang bantayan ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), Barangay Tanod, Force Multipliers, pati na rin ng mga pampublikong organisasyon (NGOs) at Civil Society Organizations (CSOs).
Layunin ng proyektong ito na palakasin ang police presence at seguridad sa mga pampubliko at pribadong sementeryo, bus terminals, at mga lokal na pasyalan kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga mamamayan. Bahagi rin ito ng umiiral na heightened alert status upang maiwasan at masugpo ang anumang uri ng krimen ngayong Undas.
Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang pagtutulungan ng kapulisan at ng iba't ibang sektor ng komunidad ay nakahandang magbigay ng mabilisang saklolo at gabay upang maging maayos, ligtas, at panatag ang paggunita ng Undas 2026 sa buong Bayan ng Angat.










Comments