PABATID PARA SA ATING MGA MAGSASAKA
- Angat, Bulacan

- Jul 8
- 1 min read

Kung kayo po ay nakapagpa-seguro na sa PCIC noong distribusyon ng palay sa garahe ni Mayor Jowar ngayong WET SEASON, at ito ay nagkaroon ng pagbabago sa mga sumusunod na detalye, mangyari lamang na magsadya sa aming tanggapan upang ito ay mabago o ma-update.
Mahalagang tandaan na kung ang mga sumusunod na impormasyon ay hindi mababago, maaaring mawalan ng bisa ang inyong damage report:
Impormasyon ng sakahan
Uri o variety ng palay
Laki ng sakahan
Petsa ng pagtatanim
Iba pang mahahalagang detalye na may kinalaman sa inyong insurance
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon.









Comments