MAO Angat, Naglabas ng Iskedyul ng Pamamahagi ng Double Harvest at HUMI N para sa mga Magsasaka

Naglabas ng opisyal na abiso ang Municipal Agriculture Office (MAO Angat) ukol sa nakatakdang pamamahagi ng Double Harvest at HUMI N mula Setyembre 21 hanggang Setyembre 23, 2026.
Ayon sa tanggapan, nakalaan ang naturang tulong-agrikultura para sa mga benepisyaryong nakatanggap ng binhing palay para sa Wet Cropping Season 2026 noong nakaraang buwan ng Hunyo at Hulyo.
Upang maging maayos ang proseso, isasagawa ang pamamahagi sa iba't ibang designated sites ayon sa lokasyon ng bukid ng mga magsasaka:
Setyembre 21: Baybay Covered Court (para sa Banaban, Baybay, at Laog) at RSB Parking, PIRE, Sta. Lucia (para sa Binagbag at Sta. Lucia).
Setyembre 22: Niugan Covered Court (para sa Niugan at Paltok) at Sulucan Covered Court (para sa Sulucan at Marungko).
Setyembre 23: Taboc Covered Court (para sa Taboc at Donacion), Pulong Yantok Covered Court (para sa Pulong Yantok), Encanto Covered Court (para sa Encanto), at sa Municipal Agriculture Office (para sa San Roque, Sta. Cruz, at Sto. Cristo).
Paalala ng MAO Angat sa mga benepisyaryo, magdala ng isang orihinal at photocopy ng government-issued valid ID. Sa mga magpapadala naman ng kinatawan, kailangang magprisinta ng orihinal na authorization letter na may pirma ng nakatalang RSBSA farmer, kasama ang tig-isang photocopy ng valid ID ng benepisyaryo at kinatawan na parehong may tatlong pirma.










Comments