top of page
bg tab.png

Pabatid: Brgy. Donacion, Nagpa-abiso sa Pagsasaayos ng Basura Bilang Paghahanda sa Kapistahan

Nagbigay ng mahalagang pabatid ang Barangay Donacion sa kanilang mga residente ngayong araw, Nobyembre 25, 2025, hinggil sa espesyal na iskedyul ng pagpulot ng basura bilang paghahanda sa nalalapit na kapistahan.


Hinihikayat ang mga residente na:

  1. Ilabas ang mga basura ngayong araw (Nobyembre 25), dahil magpapapulot ng basura mamayang hapon.

  2. Huwag nang maglabas ng basura sa darating na Huwebes, na siyang araw ng Fiesta (Kapistahan).


Ang mabilis na pagkolekta ng basura ay hakbang ng Barangay Donacion upang masiguro ang kalinisan at kaayusan ng komunidad bago at sa mismong araw ng kapistahan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page