top of page
bg tab.png

Paalala sa Milestone Age at Pension ng mga Senior Citizen sa Brgy. Niugan

Aug 17
1 min read

Inanunsyo ng Samahan ng Senior Citizens ng Barangay Niugan ang palugit sa pagpapasa ng dokumento para sa Milestone Age at ang pagtanggap ng bagong aplikasyon sa pension para sa mga nakatatagandang residente.


Para sa Milestone Age, maaari pang humabol sa pagpapasa ng requirements ang mga nagdiwang ng kanilang ika-80, 85, 90, 95, at 100 taong gulang mula noong Marso 17, 2024 hanggang Disyembre 31, 2025.


Tinatanggap din ang aplikasyon para sa mga may edad 80 pataas na wala pang Local o National Pension. Kwalipikado pa ring mag-apply ang mga residente kahit mayroon na silang umiiral na pension mula sa SSS, GSIS, o iba pang ahensya.


Ang pagproseso ng mga dokumento ay ginaganap sa Senior Citizens Office na matatagpuan sa ikalawang palapag ng Lumang Barangay Hall. Bukas ang tanggapan tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Kailangan lamang dalhin ang Senior Citizen ID at iba pang valid ID.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page