top of page
bg tab.png

Paalala ng Angat Assessor’s Office: Tax Declaration ng mga Negosyo, Dapat Naka-Commercial Classification


Nagpalabas ng mahalagang paalala ang Municipal Assessor’s Office ng Angat para sa lahat ng mga business owners, lessees (nangungupahan), at lessors (nagpapaupa) sa bayan, bilang maagang paghahanda sa pagpoproseso ng Business Permit para sa susunod na taon.


Ayon sa pamunuan ng tanggapan, mahigpit na kailanganin sa susunod na taon ang pagpapakita ng Tax Declaration na may tamang klasipikasyon na "Commercial." 


Layunin ng maagang anunsyong ito na bigyan ng sapat na panahon ang mga negosyante na maisayos at mai-update ang kanilang mga dokumento. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang anumang uri ng abala, pagkaantala, o matagal na pila sa oras ng aplikasyon at pagre-renew ng permit sa pagpasok ng bagong taon.



Upang magsilbing gabay ng publiko, naglaan ang Assessor's Office ng halimbawa o sample ng dokumento na maaari nilang tignan upang masigurong tama ang klasipikasyon ng kanilang ari-arian.


Inaanyayahan ng Municipal Assessor's Office ang lahat ng mga apektadong indibidwal na asikasuhin ito sa lalong madaling panahon.


Para sa mga karagdagang katanungan, paglilinaw, o gabay sa proseso, bukas ang pintuan ng tanggapan upang masuring mabuti at ma-assist ng mga kawani ang bawat mamamayan.


Kasabay ng panawagang ito, binigyang-diin ng Assessor's Office na patuloy ang kanilang ginagawang pagpapatama at pag-aayos ng mga opisyal na records ng bayan. Ito ay bahagi ng kanilang pangako na mas mapabuti, mapabilis, at maitaas ang kalidad ng serbisyo para sa lahat ng Angatenyo.


Nagpapasalamat ang buong pamunuan ng lokal na tanggapan sa patuloy na pakikiisa, disiplina, at kooperasyon ng sektor ng negosyo sa Bayan ng Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page