top of page
bg tab.png

P25.2-M Halaga ng mga Silid-Aralan, Itatayo sa Angat Matapos Lumagda sa MOA ang LGU at DepEd


Panibagong hakbang tungo sa pagpapatatag ng sektor ng edukasyon ang isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Angat matapos pormal na lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Department of Education (DepEd) noong Martes, Hulyo 14.


Sa ilalim ng kasunduan para sa Basic Education Facilities Funding, popondohan ng DepEd ang pagpapatayo ng dalawang (2) bagong gusaling pampaaralan sa bayan. Ang bawat gusali ay may dalawang palapag at naglalaman ng apat (4) na silid-aralan, na may kabuuang walong (8) bagong klasrum.


Inilaan sa naturang proyekto ang kabuuang pondong ₱25,292,301.50, na kabilang na rin ang kumpletong paktura ng mga school furniture o kagamitan sa bawat silid-aralan.


Ayon kay Punong Bayan Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista, malaking tulong ang proyektong ito upang masolusyunan ang suliranin sa kakulangan ng mga silid-aralan at makalikha ng mas conducive at maayos na kapaligiran sa pag-aaral para sa mga kabataan.


"Lubos po tayong nagpapasalamat sa Department of Education sa kanilang tiwala at

suporta sa ating mga mag-aaral at sa ating pamahalaang bayan," pahayag ni Mayor Jowar.


Tiniyak din ng alkalde na magiging mabilis, tapat, at transparent ang pagpapatupad ng proyekto upang agad itong magamit ng mga mag-aaral.


Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na ang hakbang na ito ay bahagi ng kanilang patuloy na adbokasiya na #PatuloyAngAsensoAtReporma, na naglalayong magbigay ng mas maganda at ligtas na kinabukasan para sa bawat batang Angateño sa pamamagitan ng dekalidad na edukasyon.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page