P100K Cash Grant, Matagumpay na Naipamahagi sa Dalawang Centenarian sa Angat
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Isang makasaysayan at mapagpalang araw ang sumalubong sa dalawang natatanging lola matapos opisyal na ipagkaloob sa kanila ang Centenarian Cash Grant na nagkakahalaga ng ₱100,000 bawat isa ngayong araw, Hunyo 30, 2026.
Ang mga mapalad at binuwerteng umabot sa kanilang ika-isandaang (100) taong gulang ngayong taon ay sina Lola Maria Dizon mula sa Barangay San Roque at Lola Lydia Llanes mula sa Barangay Sulucan.

Ang pamamahagi ng naturang insentibo ay matagumpay na naisakatuparan sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan katuwang ang mga kinatawan mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) at ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office. Ang cash grant na ito ay pagkilala at pagpupugay ng pamahalaan sa kanilang mahabang buhay, kontribusyon sa lipunan, at katatagan.
Kasabay nito, nagpaabot din ng malaking pasasalamat ang pamunuan sa mga Pangulo ng Senior Citizen sa mga barangay na walang-sawa at laging katuwang ng pamahalaan sa pag-aasiste, pag-monitor, at pagtiyak na natatanggap ng mga nakatatanda ang mga benepisyong nararapat para sa kanila.









Comments