Overseas Job Hiring Set sa Angat Municipal Hall
- angat bulacan
- Sep 9
- 1 min read

Angat, Bulacan — Magkakaroon ng Overseas Job Hiring Activity ang 1st Northern International Placement, Inc. sa darating na Setyembre 10, 2025 (Miyerkules), mula 10:00 AM hanggang 2:00 PM, sa unang palapag ng Angat Municipal Hall.
Inaanyayahan ang mga interesadong aplikante na magdala ng updated résumé at itim na ballpen para sa onsite application at initial screening.
Ang aktibidad na ito ay sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office (PESO) – Angat bilang bahagi ng patuloy na programa ng Pamahalaang Bayan ng Angat para maghatid ng mga oportunidad sa trabaho, lokal man o abroad.
Comments