Oryentasyon sa mga Programa ng OWWA at Pagpapalakas ng OFW Family Circles, ginanap sa Angat

Matagumpay na isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO) ng Angat ang "OWWA Programs and Services Orientation & Community Organizing" upang maihatid ang mahahalagang tulong at impormasyon para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at sa kanilang mga pamilya sa bayan.
Nagsilbing pangunahing tagapagsalita sa aktibidad si Mr. Mark Joseph C. Bondoc, ang Head ng OWWA Reintegration Unit. Sa kaniyang talakayan, ipinaliwanag niya ang iba't ibang benepisyo, tulong-pangkabuhayan, at serbisyong inilalaan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga bagong uwi at aktibong OFW.

Bukod sa oryentasyon, layunin din ng nasabing programa na muling buhayin at palakasin ang Samahan ng OFW Family Circles (OFCs) sa Bayan ng Angat upang magkaroon ng mas matibay na samahan at suporta ang mga pamilya ng mga overseas workers. Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang PESO Angat sa OWWA sa patuloy na pag-alalay sa mga itinuturing na modernong bayani ng bansa.










Comments