top of page
bg tab.png

Oportunidad sa Ibang Bansa, Inilapit sa mga Angateño; PESO Angat at Luzvimin Agency, Magsasagawa ng SRA


Bubuksan ng Public Employment Service Office (PESO) Angat ang pintuan para sa mga mamamayang nagnanais na makapaghanapbuhay sa labas ng bansa sa pamamagitan ng isasagawang Special Recruitment Activity (SRA) bukas, ika-19 ng Marso.


Sa pakikipagtulungan sa Luzvimin Employment Agency, ang aktibidad ay gaganapin sa PESO Office, New Municipal Building sa Brgy. San Roque. Ang nasabing recruitment ay nakatuon sa paghahanap ng mga kwalipikadong Household Service Workers na itatalaga sa mga bansang Hong Kong, Brunei, at Malaysia.


Layunin ng programang ito na magbigay ng ligtas at legal na paraan para sa mga Angateño na nagnanais mag-abroad, sa ilalim ng gabay at pagsusuri ng lokal na pamahalaan. Sa pamamagitan ng SRA, masisiguro na ang mga aplikante ay mapupunta sa mga rehistradong ahensya at dadaan sa tamang proseso ng dokumentasyon.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page