Oplan SUMVAC Day 3: Bayan ng Angat, Naka-Red Alert na para sa Semana Santa
- Angat, Bulacan

- 7 days ago
- 1 min read

Upang matiyak ang pinakamataas na antas ng kahandaan ngayong panahon ng pangingilin, pormal nang itinaas sa Red Alert Status ang buong puwersa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Bayan ng Angat nitong ikatlong araw ng Oplan SUMVAC 2026.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa Executive Order No. 23 s. 2026 o ang "An Order for the Activation of Emergency Operations Center (EOC) for Semana Santa 2026 in the Municipality of Angat, Bulacan." Ito rin ay tugon sa Memorandum Order 03182026-20 mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Sa ilalim ng pamumuno ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), mananatiling naka-alerto ang buong departamento hanggang ika-5 ng Abril. Bahagi ng paghahandang ito ang mga sumusunod:
Activation of EOC: Ang Emergency Operations Center ang magsisilbing sentro ng komunikasyon at koordinasyon para sa lahat ng response agencies.
Pre-positioning of Equipment: Naka-deploy na ang mga tools at kagamitan para sa Water Search and Rescue (WASAR) upang masiguro ang mabilis na pag-responde kung sakaling magkaroon ng insidente sa tubig.
Continuous Monitoring: Bagama't nananatiling payapa at kaunti pa lamang ang mga naliligo sa kailugan sa kasalukuyan, inaasahan ng departamento ang pagdagsa ng mga tao simula bukas hanggang Linggo.
Binibigyang-diin ng MDRRMO na ang "Red Alert" ay nangangahulugan ng 24/7 na pagbabantay at sapat na bilang ng mga personnel na handang rumesponde sa anumang oras. Pinapayuhan ang publiko na manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad para sa isang ligtas na paggunita ng Mahal na Araw.









Comments