Oplan Sita sa Brgy. Marungko, Mas Pinahigpit ng Angat MPS Laban sa Kriminalidad
- Angat, Bulacan

- Jan 3
- 1 min read

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa seguridad ng publiko, nagsagawa ng malawakang Oplan Sita ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa bahagi ng Tapatan, Brgy. Marungko, ngayong ika-3 ng Enero, 2026.
Ang operasyon, na nagsimula bandang alas-8:00 ng umaga, ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas (Duty OD), sa ilalim ng direktang liderato ni PCPT Jayson M. Viola (OIC). Ang naturang aktibidad ay nagsilbing pre-emptive measure ng kapulisan upang mapigilan ang iba’t ibang uri ng krimen tulad ng robbery, theft, motornapping, at iba pang ilegal na gawain.
Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang hakbang na ito ay alinsunod sa 7-Focused Agenda ng Acting Chief PNP sa ilalim ng Anti-Criminality Campaign. Sa pamamagitan ng pag-inspeksyon sa mga sasakyan at pagpapatupad ng mga batas-trapiko, layon ng himpilan na siguruhin ang kaligtasan ng mga motorista at residente, gayundin ang mapanatili ang kapayapaan sa buong bayan ng Angat.









Comments