Oplan Sita, Inilunsad sa Brgy. Sulucan; Maingay na Muffler, Sinita ng Angat PNP
- Angat, Bulacan

- Jan 1, 2026
- 1 min read

Bilang bahagi ng pagpapatupad ng batas sa unang araw ng taon, nagsagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa tapat ng 7-Eleven Convenience Store, Tapatan Road, Brgy. Sulucan ngayong hapon ng Enero 1, 2026.
Ang operasyon ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas, Duty OD, sa ilalim ng liderato ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. Pangunahing layunin ng aktibidad na ito ang pagsugpo sa kriminalidad at ang mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa ng munisipyo laban sa mga maingay at modified mufflers (bora-bora). Sa pamamagitan ng estratehikong checkpoint na ito, layon ng pulisya na matiyak ang katahimikan at seguridad ng publiko, lalo na sa mga matataong lugar, upang mapanatili ang kaayusan sa buong komunidad ng Angat sa pagsisimula ng taong 2026.









Comments