top of page
bg tab.png

Oplan Bandillo, Inilunsad sa Celestial City

Upang masiguro ang zero-accident sa nalalapit na pagdiriwang ng Bagong Taon, isinagawa ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang Oplan Bandillo sa Celestial City, Brgy. San Roque.


Sa ilalim ng pamunuan ni PCPT Jayson M. Viola, OIC, nag-ikot ang mga tauhan ng pulisya upang magbigay ng mga paalala sa kaligtasan alinsunod sa Republic Act 7183.


Binigyang-diin sa naturang aktibidad ang mga ipinagbabawal na paputok at ang mga karampatang parusa para sa mga lalabag. Layunin ng Angat MPS na maabot ang bawat sulok ng komunidad upang matiyak na ang bawat pamilya ay ligtas at sumusunod sa mga regulasyon ng batas.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page