top of page
bg tab.png

"Online Bisita", Isinagawa ng Angat MPS para sa mga Detainee sa Ilalim ng Patrol Plan 2030


Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga layunin sa ilalim ng PNP Patrol Plan 2030, isinagawa ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang programang "Online Bisita" para sa mga Person Under Police Custody (PUPC) sa Angat Custodial Facility ngayong Hulyo 20, 2026, simula ika-10:00 ng umaga.


Ang naturang aktibidad ay pinangasiwaan ng Custodial Officer na si Patrolman Ranjit B. Gelantaga-an, sa ilalim ng pamamahala ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) - Angat MPS.


Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang "Online Bisita" ay isang alternatibong pamamaraan ng pagdalaw na gumagamit ng teknolohiya at social media, tulad ng Messenger at video calls, upang mapanatili ang ugnayan ng mga detainee at ng kanilang mga mahal sa buhay.


Binigyang-diin ng Angat MPS na ang inisyatibong ito ay muling nagpapatunay sa kanilang walang maliw na komitment sa makataong pagtrato at pagprotekta sa karapatang pantao ng mga nasa ilalim ng kanilang kustodiya, habang patuloy na isinusulong ang modernisasyon at makabagong serbisyo ng kapulisan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page