top of page
bg tab.png

OMEES, Idinaos ang 4th PTA General Assembly


Sa layuning higit pang mapagtibay ang ugnayan sa pagitan ng tahanan at paaralan, matagumpay na idinaos ang 4th PTA General Assembly sa Osias M. Esteban Elementary School (OMEES) ngayong ika-6 ng Pebrero, 2026.


Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng mga magulang at guro upang talakayin ang mga programa, proyekto, at ang pag-unlad ng mga mag-aaral para sa kasalukuyang taon.


Naging espesyal ang okasyon sa pagdalo ng mga lider ng Barangay Pulong Yantok sa pangunguna ni Punong Barangay Renato Abong San Pedro. Sa kanyang mensahe, tiniyak ni Kapitan San Pedro ang patuloy na suporta ng Sangguniang Barangay sa mga pasilidad at seguridad ng paaralan para sa ikabubuti ng mga batang mag-aaral.


Kasama rin sa nasabing pagtitipon si Kagawad Laurence "Cocoy" Esteban, ang Chairman ng Committee on Education. Binigyang-diin ni Konsi Cocoy ang kahalagahan ng edukasyon bilang pundasyon ng kinabukasan ng kabataan at nangako ng aktibong pakikipagtulungan sa PTA para sa mga inisyatibong pang-edukasyon sa barangay.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page